Tuesday, 4 September 2018

PROSESO NG PAGPAPAKASAL NG PILIPINO AT HAPONES SA PILIPINAS


proseso ng pagpapakasal ng  pilipino at hapones sa pilipinas
isinulat ni: 
raymond m leong



Ang lahat ng mga impormation na nakasaad dito sa blog na ito ay base sa aking sariling karanasan.

    Ako at ang aking asawang hapones ay nagpakasal sa Pilipinas nito lamang nakalipas na hulyo ng taong kasalukuyan.At base po sa aking  Karanasan,ay hindi naman gaanong  komplikado ang proseso at mga  requirements na kailangan ng bawa’t isa para magpakasal dito sa Pilipinas.

    May mga ibang  paraan para mas madali ang proseso,tulad ng pagkuha o pag Hire ng isang Agency na maaring mag assist sa pagkuha at paglakad ng iyong  mga papel. Sila na rin  ang  bahala
sa  pag aasikaso ng lahat ng documento,At kadalasan ay kasama 
na sa Package ng mga Agency ay ang pagkuha sa serbisyo ng isang “Huwes” na sya naring mangangasiwa ng kasal, pati ang lugar at kung saan at kailan gaganapin ang kasal.

     Pero ang  mga serbisyo ng mga Agency na ito ay may kapalit na presyo,na minsan ay may kabigatan sa bulsa.Noon ako ay nagtanong ay umaabot (100,000- 200,000 Yen) o katubas ng halos (Php 85,000) ang bayad sa kanilang serbisyo ito ay depende sa mga pangangailangan ng kanilang Kliyente.

    Para kayo ay makatipid at kung kayo rin lang naman ay may nakalaang panahon para paghandaan ang inyong kasal, nais ko
Po ibahagi sa inyo ang paraan sa paghahanda sa inyong kasal.


Ito ang mga listahan ng mga dokumento na kailangan:


Para sa mga Pilipino (PHILIPPINE NATIONAL)


1.  Certified true copy of BIRTH CERTIFICATE mula sa (PSA or Loca Civil Registry).
2.  CENOMAR or CERTIFICATE OF NO MARRIAGE mula sa (PSA).
3.  BARANGAY CLEARANCE FOR MARRIAGE APPLICATION mula sa local Barangay hall.
4.  BARANGAY CERTIFICATION FOR TREE PLANTING mula sa local Barangay hall.
5.  RESIDENCE CERTIFICATE or (CEDULA) mula sa local Barangay hall.
6.  BARANGAY ID from your local Barangay hall.
7.  PRE-MARRIAGE COUNSELING CERTIFICATE mula sa local Barangay hall.
8.  PARENTAL CONSENT (kung edad 18-20 years old pababa)


Para sa mga Hapon (JAPANESE NATIONAL)


1.  CERTIFICATE OF LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE mula sa Japanese Embassy sa Manila, Cebu
o Davao.
2.  CERTIFIED TRUE COPY OF JAPANESE FAMILY REGISTER (KOSEKI TOHON) mula sa local
City Hall kung saan nakatira.
3.  CERTIFIED TRUE COPY OF REMOVED JAPANESE FAMILY REGISTER (JOSEKI TOHON) mula sa local
City Hall kung saan nakatira.
4.  JAPANESE PASSPORT original at valid.
5.  PARENTAL CONSENT (kung edad 20 years old pababa)


PAALALA:  Ang mga Japanese na Lalaki  na edad 18 at mga
Japanese na Babae na edad of 16 pababa ay hindi pa maaring ikasal.


 Proseso sa Pagpapakasal:


      Magpunta sa JAPANESE EMBASSY sa Manila,Cebu  o Davao para kumuha ng CERTIFICATE OF LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE Ito ay para lamang sa mga Japanese Nationals. Makukuha nyo ito paglipas ng 24 oras simula sa oras kung kailan kumuha.

      Pagnakuha na ang Certificate of Legal Capacity ay magtungo at mag apply ng Marriage License sa City hall or Munisipyo kung saan  nais makasal. Ito ang lugar kung saan kadalasan nakatira ang Pilipino na ikakasal. Siguraduhin na dala at kumpleto na lahat ng inyong  dokumento, sapagkat  kung ito ay kulang ay di kayo maaring mabigyan ng Marriage License.

    Kung kayo ay nabigyan na ng Marriage License ay kailangan pa rin mag antay ng 10 araw bago kayo magpakasal.Ito ay para sa posting na tinatawag nila.ito ay kung sakaling may maghabol or may problema na Makita sa isa sa ikakasal.

     Pagkalipas ng 10 araw at nakuha na ang Marriage License ay maaari na kayong magpa  schedule ng inyong kasal  sa Huwes, Mayor o sa Simbahan.


Proseso sa Pagpaparehistro ng Kasal:


   Kapag natapos na ang inyong kasal ay maari kayong bumalik sa  City Registrar paglipas  ng 3 linggo  hanggang isang  buwan para makakuha ng kopya ng Marriage Certificate. Kadalasan ay sila  na din ang nag  paparehistro ng ng  Marriage Certificate sa PSA o PHILIPPINE STATISTIC AUTHORITY.

    Kadalasan ay inaabot ito ng 3-6 na buwan. Ngunit kung kayo ay nagmamadali at kailangan nyo na ng Kopya mula sa PSA, ay mas mabuti na ipa ADVANCE ENDORSEMENT. Nakuha ko ang PSA copy ng aking Marriage Certificate sa loob lamang ng isang linggo.

Madali na ang mga proseso ng ating Gobyerno pag dating sa pag kuha ng mga Public Documents.minsan lang di maiwasan ang mahabang pila lalong lalo na sa PSA. Nasa iyo pa rin kung sa tingin ninyo ay kakailanganin nyo ang tulong ng isang Agency o tao na mag aasikaso para sa inyo. Maraming salamat at Mabuhay ang mga bagong ikakasal....

4 comments:

  1. Paano po kung yung japanese eh good for 4days lng sa pinas at gusto nya makasal kami agad dba pwede un. Need ba talagang mag antay for 10days bago maikasal?? Sna po masagot nyo ang tanong ko..

    ReplyDelete
  2. Good day po ask ko.lang po kttpus lang nmen mag pakasal ng asawa kong hapon noon oct8..ask ko.lang.po pan nkakuha n ko ng copy ng M.c nmen sa psa.. ano b una ko ggawin para mkpag change ng name sa passport... sabi po kasi need muna attend ng cfo..thank sa ssagot po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good day, ask ko lang po nung kumuha po ng lccm yung husband niyo sa japan embassy may hiningi rin po bang requirements sa inyo?

      Delete
  3. Paano po pag kasal ang hapon sa Japan tapos gusto nang babae filipina magpakasal sa hapon didto sa pilipinas. Pwede po ba yon or Hindi?

    ReplyDelete

SANPO

SANPO “NG MGA ASO SA JAPAN” Ni: Raymond M Leong G aano kalinis ang mga hapon? Kahit ang pag aalaga ng hayop tulad ng as...