Thursday, 4 October 2018

SANPO


SANPO
“NG MGA ASO SA JAPAN”


Ni: Raymond M Leong


Gaano kalinis ang mga hapon? Kahit ang pag aalaga ng hayop tulad ng aso ay kanilang binibigyan ng importansya. Ang pagpapasyal ng aso sa labas tulad ng sa park ay tinatawag na "SANPO " o maglakad. At bawal na bawal din ang aso na walang tali kapag inilalabas ng bahay.


Kadalasan ay di maiiwasan na dumumi ang alagang aso habang pinapasyal sa labas. Kaya lagging nagdadala ng tissue at plastic para kanilang pupulutin at ilalagay sa plastic bag.

Ito ay makikitang ginagawa ng halos lahat ng tao na may alagang aso. Kalimitan ng tahanan sa japan at maliliit lang at kasama na din nila sa loob ng bahay ang kanilang mga alagang aso o pusa.


Itinuturing na anak ng mga tao ang kanilang mga alagang aso kaya ganon
nalang ang pagbibigay halaga at aruga sa mga ito.kailangan din ipa rehistro nila ito at pabigyan ng bakuna para sa RABIES. Dinadala din nila ito sa mga dog parlor para i pa groom. Ang presyo sa japan ng simpleng pagpapagroom ng aso ay umaabot sa (Y8,000.00) o (Php 3,700.00).


MIDOSUJI


MIDOSUJI
OSAKA-SHI, JAPAN




ni: Raymond M Leong

Noong panahon pa ng Edo period, Ang Midosuji ay isa lamang
pangkaraniwangkalsada at ito ay ang "Yodoyabashisuji ".

Midōsuji ay itinayo noong Taishō period, Pinalawak ang kalsada 
hanggang itoay umabo sa Umeda sa hilagang bahagi 
at Namba sa bahagi ng timog.

Ngayon ang Midōsuji ay isa nang mataas na uri na shopping street,
kung saan makikita ang malalaking brand name na tindahan gaya ng
APPLE STORE, CHANEL, LOUIS VUITTON at mga 5 star Hotels.

Ang Midosuji Line ay ang kauna-unahang  subway line sa Osaka at
 kauna-unahang Goverment-operated subway line sa Japan.





Thursday, 13 September 2018

MAGANDANG HAPON JAPAN


MAS MAPAPADALI 
NA ANG PAG BISITA NG MGA PINOY SA JAPAN
 NI: 
RAYMOND M LEONG




Magandang balita para sa mga kababayan nating Pinoy. Ayon sa Japan                   embassy ay mas paluluwagin na ng bansang japan ang pagbibigay ng mga visa sa mga Pilipino simula nitong buwan ng agosto 2018.


    Ang pagpapaluwag sa pag bigay ng Visa ay ayon sa kanilang “Tourism Vision Realization Program 2018” kung saan nakasaad dito na maaring makakuha ng Multiple Visa na aabot sa 5-10 taon lalo na sa mga business o cultural ang dahilan ng pagbisita.


    Ang programang ito ay inaasahan na magpapabilis at mapapahaba din ang araw ng pagbisita. Lalo na sa mga nagnanais dumalaw sa mga kamag anak sa Japan na kadalasan ay short-term visa na 15days lang ang nakukuha. Nais din ng Japan na mas mapapadalas ang pagpunta ng mga regular na touristang pinoy sa kanilang bansa.



Mga kailangan para sa JAPAN VISA :


1.  Valid  PHILIPPINE PASSPORT.

2. A duly accomplished JAPAN VISA FORM

3.  PHOTO ID 4.5cm x 4.5cm white background

4.  BIRTH CERTIFICATE mula sa (PSA).

5.  MARRIAGE CERTIFICATE mula sa (PSA) kung kasal.

6.  DAILY SCHEDULE IN JAPAN (TAIZAI YOTEIHYO).


ADDITIONAL REQUIREMENTS:

a.     Para sa mga walang Sponsor o Guarantor mula sa Japan.
*BANK CERTIFICATE
INCOME TAX RETURN

b.    Pasa sa may Sponsor o Guarantor mula sa japan
*GUARANTEE LETTER
*PROOF OF RELATIONSHIP with the GUARANTOR
*BANK CERTIFICATE and ITR of the GUARANTOR



Bago mag apply ng Visa ay mas mainam na alamin kung anong Klase ng Visa na inyong kakailanganin para mas mapaghandaan ng maayos ang mga document na inyong ibibigay sa Japan embassy.

Ilang paalala sa mga first time na bibisita sa japan. May mga budget Airlines kung saan ay mas makakatipid kayo sa pamasahe. Nasa Php15,000 – 20,000 round trip, ngunit ito ay seasonal. Maari din na tumaas ang Airfare lalo na kung sa mga panahon ng bakasyon o kung kailan mas madami ang pumupunta sa Japan or umuuwi ng Pilipinas.

Kakailangin nyo din gumastos ng Y10,000-15,000 o katumbas ng Php4,800-7,200 kada araw. Kasama na sa gastos ang bayad sa isang murang Hotel at maari ka na din makakain sa mga restaurant sa paligid.

Ang gastos sa pagbisita sa Japan ay maaring tumaas o bumaba.ito ay depende sa kung saan manunuluyan o kakain ang isang bisita. Para sa dagdag kaalaman tungkol sa iba’t-ibang Visa ng Japan ay maaring bisitahin ang kanilang website

Tuesday, 4 September 2018

PROSESO NG PAGPAPAKASAL NG PILIPINO AT HAPONES SA PILIPINAS


proseso ng pagpapakasal ng  pilipino at hapones sa pilipinas
isinulat ni: 
raymond m leong



Ang lahat ng mga impormation na nakasaad dito sa blog na ito ay base sa aking sariling karanasan.

    Ako at ang aking asawang hapones ay nagpakasal sa Pilipinas nito lamang nakalipas na hulyo ng taong kasalukuyan.At base po sa aking  Karanasan,ay hindi naman gaanong  komplikado ang proseso at mga  requirements na kailangan ng bawa’t isa para magpakasal dito sa Pilipinas.

    May mga ibang  paraan para mas madali ang proseso,tulad ng pagkuha o pag Hire ng isang Agency na maaring mag assist sa pagkuha at paglakad ng iyong  mga papel. Sila na rin  ang  bahala
sa  pag aasikaso ng lahat ng documento,At kadalasan ay kasama 
na sa Package ng mga Agency ay ang pagkuha sa serbisyo ng isang “Huwes” na sya naring mangangasiwa ng kasal, pati ang lugar at kung saan at kailan gaganapin ang kasal.

     Pero ang  mga serbisyo ng mga Agency na ito ay may kapalit na presyo,na minsan ay may kabigatan sa bulsa.Noon ako ay nagtanong ay umaabot (100,000- 200,000 Yen) o katubas ng halos (Php 85,000) ang bayad sa kanilang serbisyo ito ay depende sa mga pangangailangan ng kanilang Kliyente.

    Para kayo ay makatipid at kung kayo rin lang naman ay may nakalaang panahon para paghandaan ang inyong kasal, nais ko
Po ibahagi sa inyo ang paraan sa paghahanda sa inyong kasal.


Ito ang mga listahan ng mga dokumento na kailangan:


Para sa mga Pilipino (PHILIPPINE NATIONAL)


1.  Certified true copy of BIRTH CERTIFICATE mula sa (PSA or Loca Civil Registry).
2.  CENOMAR or CERTIFICATE OF NO MARRIAGE mula sa (PSA).
3.  BARANGAY CLEARANCE FOR MARRIAGE APPLICATION mula sa local Barangay hall.
4.  BARANGAY CERTIFICATION FOR TREE PLANTING mula sa local Barangay hall.
5.  RESIDENCE CERTIFICATE or (CEDULA) mula sa local Barangay hall.
6.  BARANGAY ID from your local Barangay hall.
7.  PRE-MARRIAGE COUNSELING CERTIFICATE mula sa local Barangay hall.
8.  PARENTAL CONSENT (kung edad 18-20 years old pababa)


Para sa mga Hapon (JAPANESE NATIONAL)


1.  CERTIFICATE OF LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE mula sa Japanese Embassy sa Manila, Cebu
o Davao.
2.  CERTIFIED TRUE COPY OF JAPANESE FAMILY REGISTER (KOSEKI TOHON) mula sa local
City Hall kung saan nakatira.
3.  CERTIFIED TRUE COPY OF REMOVED JAPANESE FAMILY REGISTER (JOSEKI TOHON) mula sa local
City Hall kung saan nakatira.
4.  JAPANESE PASSPORT original at valid.
5.  PARENTAL CONSENT (kung edad 20 years old pababa)


PAALALA:  Ang mga Japanese na Lalaki  na edad 18 at mga
Japanese na Babae na edad of 16 pababa ay hindi pa maaring ikasal.


 Proseso sa Pagpapakasal:


      Magpunta sa JAPANESE EMBASSY sa Manila,Cebu  o Davao para kumuha ng CERTIFICATE OF LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE Ito ay para lamang sa mga Japanese Nationals. Makukuha nyo ito paglipas ng 24 oras simula sa oras kung kailan kumuha.

      Pagnakuha na ang Certificate of Legal Capacity ay magtungo at mag apply ng Marriage License sa City hall or Munisipyo kung saan  nais makasal. Ito ang lugar kung saan kadalasan nakatira ang Pilipino na ikakasal. Siguraduhin na dala at kumpleto na lahat ng inyong  dokumento, sapagkat  kung ito ay kulang ay di kayo maaring mabigyan ng Marriage License.

    Kung kayo ay nabigyan na ng Marriage License ay kailangan pa rin mag antay ng 10 araw bago kayo magpakasal.Ito ay para sa posting na tinatawag nila.ito ay kung sakaling may maghabol or may problema na Makita sa isa sa ikakasal.

     Pagkalipas ng 10 araw at nakuha na ang Marriage License ay maaari na kayong magpa  schedule ng inyong kasal  sa Huwes, Mayor o sa Simbahan.


Proseso sa Pagpaparehistro ng Kasal:


   Kapag natapos na ang inyong kasal ay maari kayong bumalik sa  City Registrar paglipas  ng 3 linggo  hanggang isang  buwan para makakuha ng kopya ng Marriage Certificate. Kadalasan ay sila  na din ang nag  paparehistro ng ng  Marriage Certificate sa PSA o PHILIPPINE STATISTIC AUTHORITY.

    Kadalasan ay inaabot ito ng 3-6 na buwan. Ngunit kung kayo ay nagmamadali at kailangan nyo na ng Kopya mula sa PSA, ay mas mabuti na ipa ADVANCE ENDORSEMENT. Nakuha ko ang PSA copy ng aking Marriage Certificate sa loob lamang ng isang linggo.

Madali na ang mga proseso ng ating Gobyerno pag dating sa pag kuha ng mga Public Documents.minsan lang di maiwasan ang mahabang pila lalong lalo na sa PSA. Nasa iyo pa rin kung sa tingin ninyo ay kakailanganin nyo ang tulong ng isang Agency o tao na mag aasikaso para sa inyo. Maraming salamat at Mabuhay ang mga bagong ikakasal....

SANPO

SANPO “NG MGA ASO SA JAPAN” Ni: Raymond M Leong G aano kalinis ang mga hapon? Kahit ang pag aalaga ng hayop tulad ng as...